^

Metro

32-anyos patay sa ka-live-in na parak

-
Dahil sa pakikipagkalas ng isang 32-anyos na babae, pinagbabaril hanggang sa mapatay ito ng kanyang live-in partner na isang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Maynila (OSMA) bunga ng dalawang tama ng 9mm baril sa kaliwang dibdib at tagiliran ang biktima na nakilalang si Racquel Kenniker, ng Kahilum 1, Pandacan.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya sa suspect na pulis na nakilalang si PO1 Manuel Garcia, alyas Noel na nakatalaga sa PNP-Fire and Explosive Division ng Camp Crame.

Napag-alaman sa isinagawang pagsisiyasat ni Detective Raul Olavario, may hawak ng kaso na ang krimen ay naganap dakong alas-12:40 ng madaling araw sa harap ng isang bahay sa No. 1545 Bo. Sta Maria, Sta. Ana, Manila.

Ayon sa ilang saksi, sapilitan umanong pinababa ng suspect ang biktima sa kanyang sasakyan habang nagtatalo at nag-aaway.

Ilang sandali lamang ay dalawang magkasunod na alingawngaw ng putok ng baril ang narinig mula sa sasakyan ng suspect hanggang sa makita na nag-iisa na lamang sa loob ng sasakyan ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Nabatid na dalawang taon ng nagli-live-in ang dalawa at nitong huli ay gusto nang makipagkalas ng babae sa nasabing pulis na nabatid na seloso at malupit.

Binanggit pa ng mga kapitbahay ng biktima, madalas silang nakaririnig ng mga lagabog at impit ng pag-iyak ng babae mula sa inuupahang bahay ng dalawa. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

BINANGGIT

CAMP CRAME

DETECTIVE RAUL OLAVARIO

ELLEN FERNANDO

FIRE AND EXPLOSIVE DIVISION

MANUEL GARCIA

MAYNILA

RACQUEL KENNIKER

STA MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with