OCW dedo sa market collector
August 14, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang malaking pagkakautang ang ugat ng kamatayan ng isang Overseas Contract Worker (OCW), matapos itong barilin ng isang market collector, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Medical Center ang nasawing biktima na si Antonio Marvin Medina, 32, ng 132 Pelayo Road, Santos Village, Zapote ng naturang lungsod bunga ng tinamong tama ng bala sa dibdib.
Nakilala naman ang suspect sa pangalang Manny Parallsa, isang market collector sa hindi binanggit na pamilihan na agad na tumakas matapos ang ginawang pamamaril.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Ben Javier, ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas Police naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Pelayo Road, Santos Village, Barangay Zapote ng lungsod na ito, ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.
Nabatid na kapwa lasing ang biktima at suspect at nagkasalubong ang mga ito sa nabanggit na lugar. Isang testigo umano ang nakarinig sa pagtatalo ng dalawa tungkol sa malaking pagkakautang.
Dahil dito, kinuha ng suspect ang nakatago nitong baril at biglang pinaputukan ang biktima.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended