Ambush: Trader patay, 1 pa malubha
August 14, 2001 | 12:00am
Isang negosyante ang nasawi, samantalang nasa kritikal namang kondisyon ang kasama nitong dalaga, matapos na tambangan at pagbabarilin sila ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Hindi na umabot pang buhay nang isugod sa Olivarez Hospital ang biktima na si Rodrigo del Rosario, may asawa, ng No. 15 Panthom St. Airmens Village, Barangay Pulang Lupa 2, ng nabanggit na lungsod bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Nakilala naman ang kasama nitong babae na si Perlie Deloterio, 27, na nasa kritikal pa ring kalagayan.
Samantala, mabilis namang tumakas ang dalawang suspect lulan ng isang motorsiklo.
Base sa imbestigasyon ng Las Piñas Police, naganap ang insidente dakong alas-5:50 kahapon ng umaga sa kahabaan ng Arabejo St., Gatchalian Subdivision, Barangay Manuyo 2, ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang mga biktima ay sakay ng isang kulay itim na adventure na may plakang WPS-630 na minamaneho ng negosyanteng si del Rosario nang biglang harangin ng mga suspect.
Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga salarin ang mga biktima at pagkatapos ay mabilis itong nagsitakas.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, habang hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pananambang sa mga biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest