^

Metro

Rambol sa debut; 1 patay

-
Naging malagim ang masayang birthday party, matapos na maganap ang rambulan na ikinasawi ng isa sa bisita at pagkakadakip naman ng 12 katao kabilang ng debutante kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Hindi na nakarating ng buhay nang isugod sa Mandaluyong City Medical Center ang biktima na si Lawrence Beltran, 20, binata, isang house painter, nakatira sa No. 419 Blumentritt St., Barangay Old Zaniga, ng lungsod na ito sanhi ng saksak sa tiyan.

Pinaghahanap naman ng mga kagawad ng Mandaluyong City Police ang suspect na si John Eric Mortel, 18, 3rd year high school at nakatira sa No. 4527 Valenzuela St., Old Sta. Mesa, Manila.

Samantala, dinakip naman ng mga rumespondeng pulis sina Mary Joy Cabra, 18 ang debutante; Michael 20 at Mark Anthony Cabra, 18; Santiago Francial, 44, electrician; Lyndon Ribariz, 21; Romeo Balbero, 19, janitor; Enrico Vicencio, 20; Ronald Alcantara, 18; Pio Samson Jr., 21; Tong Tatoco, 20, at Reynante Pagal, 19, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Guillermo Boy, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Blumentritt St., ng nasabing barangay.

Nabatid na ang debut party ni Mary Joy ay isinagawa sa nabanggit na lugar at habang nagsasaya ang mga ito, hindi inaasahang maganap ang isang rambol sa hindi pa mabatid na dahilan.

Nagkagulo ang mga bisita sa nasabing okasyon na naging dahilan upang masaksak ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BARANGAY OLD ZANIGA

BLUMENTRITT ST.

ENRICO VICENCIO

GUILLERMO BOY

JOHN ERIC MORTEL

LAWRENCE BELTRAN

LORDETH BONILLA

LYNDON RIBARIZ

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with