11 katao nalason sa Andok's lechon manok
August 13, 2001 | 12:00am
May 11 katao ang umanoy nalason makaraang kumain ng lechon manok ng Andok's chicken base sa reklamo ng isa sa mga biktima sa PSN kahapon.
Sa pahayag sa PSN ni Cris Nobleza, 25, empleado ng MTO Reflexology Center sa Mabini St., Malate, Manila, nabatid na naganap ang insidente makaraang pagsaluhan ng mga biktima ang tatlong pirasong lechon manok noong Biyernes ng gabi sa loob ng nasabing reflexology center.
Ang iba pa na umano ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, paulit-ulit na pagdumi at pagsusuka ay nakilalang sina Boyet Antaras, Jonie Tan, Cesar Ong, Siela, Raquel Mazo, Manette Mazo, Neneng, Flordeliza, Grace Luvindino at Allan Tan. Lahat ay pawang empleado ng Diamante & MTO Reflexology Center.
Nabatid na kaarawan ng isa sa mga biktima na si Manette noong Biyernes at nagpabili ng lechon manok sa Andok's na nasa gilid ng Malate Church.
Ilang oras makaraang makakain ay nakaranas na ng pagkulo ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka ang mga ito.
Nagtungo na ang mga biktima sa Western Police District Station 5 at nagsampa ng kaukulang reklamo. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended