^

Metro

Cloning system gagamitin para taniman ang kalbong mga gubat

-
Upang mapabilis na mataniman ng puno ang may anim na milyong ektaryang nakakalbong mga kagubatan sa bansa, gagamitin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang makabagong sistema ng cloning.

Kaugnay nito, pinasinayaan kahapon ng DENR ang 68 ektaryang Agri Aqua Forestville sa Science City sa Muñoz para dito ilagay ang Tissue Culture Laboratory na siyang tatawaging cloning center.

Ang cloning center na ito ay inaasahang makakapag-produce ng 250,000 hanggang 500,000 na seedlings ng ibat-ibang uri ng puno.

Ang paggamit ng cloning sa pagpapadami ng puno, ayon kay DENR Secretary Heherzon Alvarez ay malaking tulong upang makakuha ng higit na matitibay at mahuhusay na uri ng puno.

Nabatid din dito na humahanap na ang DENR ng tatlong iba pang lugar para lagyan ng karagdagang cloning site. Dalawa sa mga ito ay sa National Capital Region at isa sa Southern Tagalog.

Ang DENR ang magpopondo ng konstruksyon, operasyon at maintenance ng cloning center sa Muñoz City.

Maaari din anyang mapagkunan ng pagkakitaan ang proyekto sa pamamagitran ng inaasahang pag-eexport ng mga cloned na puno sa bansa tulad ng puno ng tindalo, mangga, mahogany at ilang-ilang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AGRI AQUA FORESTVILLE

ANGIE

CLONING

CRUZ

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NATIONAL CAPITAL REGION

SCIENCE CITY

SECRETARY HEHERZON ALVAREZ

SOUTHERN TAGALOG

TISSUE CULTURE LABORATORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with