^

Metro

Mga Muslim kukuning traffic enforcers ng MMDA

-
Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos ang pagkuha nila ngayon ng mga Muslim bilang mga traffic enforcer.

Sinabi ni Abalos na ilang community leaders umano ng mga Muslim at ilang aplikanteng Muslim ang nagpahayag ng interes na pumasok bilang mga traffic enforcer.

Itinatag din ni Abalos ang isang Muslim Affairs Office na siyang namamahala sa aktibidades ng mga Muslim na mabibigyan ng trabaho.

Bukod sa pagtanggap ng traffic enforcers, ilan pang proposal ang pinag-aaralan ngayon ng MMDA para sa mga Muslim.

Ito’y tulad ng paglalagay ng mga stalls para sa mga ito sa mga pampublikong palengke, legal na pagtitinda sa ilang piling sidewalk sa Metro Manila, pagtanggap ng Muslim bilang mga pulis na itatalaga sa mga komunidad nila at buong suporta ng pamahalaan sa Metro Manila Muslim Peace and Order Coordinating Council.

Gayunman, sinabi ni Abalos na hindi umano lahat ng proposal ng mga ito ay madedesisyunan ng MMDA. Nararapat umanong isangguni nila ito sa ibang ahensiya ng pamahalaan.

Tinanggap naman ni bagong talagang Traffic Enforcement Group (TEG) chief, Supt. Luisito Maralit ang plano ng MMDA, gayunman kailangan munang sumailalim sa training ang mga aplikanteng matatanggap. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DANILO GARCIA

LUISITO MARALIT

METRO MANILA

METRO MANILA MUSLIM PEACE AND ORDER COORDINATING COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUSLIM

MUSLIM AFFAIRS OFFICE

TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with