^

Metro

Asset ng pulisya tinambangan, patay

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 34-anyos na dating sikyu at asset ng pulisya makaraang tambangan ng isang hindi nakikilalang suspect na ipinalalagay na miyembro ng sindikato ng droga sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si Herminio Legaspi, ng Malong St., Dagupan, Tondo na namatay sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng ulo.

Tumakas naman ang suspect na tinatayang may taas na 4’11 talampakan, payat at pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng droga sa naturang lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-5:30 ng umaga habang naglalakad ang biktima sa kanto ng Canal dela Reina St. at Juan Luna St., Tondo.

Ayon sa ilang saksi, bigla na lamang sumulpot sa likuran ng biktima ang suspect at walang sabi-sabi itong pinaputukan ng baril sa ulo.

Sinabi naman ng asawa ng biktima na nagpaalam sa kanya ang kanyang mister kamakalawa ng gabi na may kakatagpuing kaibigan subalit hindi na ito nakauwi pa.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

AYON

DAGUPAN

GRACE AMARGO

HERMINIO LEGASPI

ISANG

JUAN LUNA ST.

MALONG ST.

MAYNILA

NAKILALA

REINA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with