Lady traffic enforcer, sinagasaan ng hinuling motorista
August 11, 2001 | 12:00am
Isang motorista na walang galang sa batas at kababaihan ang pinaghahanap ng mga awtoridad matapos na sadyaing sagasaan ang isang lady traffic enforcer na nanghuli sa kanya nang pumasok siya sa isang one-way zone, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Mandaluyong.
Nagpapagaling ngayon sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang nakilalang si Alma Peña, miyembro ng Mandaluyong Traffic Enforcement Group (MTEG) at residente ng Brgy. Pag-asa sa lungsod na ito.
Nakilala naman ang tumakas na suspect mula sa nakuha sa kanyang lisensiya na si Alex Agcaoili, ng 28-D Morning Star Drive St., Sunville Subdivision, Quezon City.
Base sa ulat, namamahala umano ng trapiko sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa kanto ng Gomesville dakong alas- 2 ng hapon si Peña nang mag-counter flow sa isang one-way zone ang suspect, dahilan upang pigilan at komprontahin ito ng biktima.
Matapos maibigay ang lisensiya ay bigla nitong pinasibad ang sasakyan na ikinahagip ni Peña sa katawan dahilan upang bumagsak ito sa kalsada.
Bago pa pinasibad ng suspect ang sasakyan ay tinakot pa nito ang biktima at iba pang traffic enforcer na kanyang babalikan ang mga ito dahil sa panghuhuli sa kanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest