Prinsipal sinibak dahil sa pandaraya

Dahil sa pandaraya at paggamit ng yero na pag-aari ng eskuwelahan, isang prinsipal sa elementarya ang sinibak sa tungkulin ng tanggapan ng Ombudsman.

Kinilala ni Ombudsman Aniano Desierto ang sinibak na principal na si Florentina Santos ng Lagro Elementary School.

Ang pagkakasibak kay Santos ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Administrative Adjudication Bureau (AAB) ng nasabing tanggapan.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Santos ay hindi pumasok at hindi ginawa ang kanyang tungkulin bilang principal simula noong Agosto 29, 1997, ngunit patuloy naman itong nagpa-punch ng kanyang time record upang palabasin na siya ay nasa eskuwelahan.

Bukod dito, napag-alaman pa rin na nag-uwi si Santos ng tatlong pirasong yero na pag-aari ng paaralan, kung saan ang mga ito ay ginamit sa kanyang sariling kapakanan. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments