Hindi nagpainom ng alak, binoga ng bisita
August 10, 2001 | 12:00am
Dahilan sa hindi pagpapainom ng alak sa kaibigang dumalaw, isang 28-anyos na binata ang binaril ng shotgun at napatay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot pang buhay nang dalhin sa Jose Rodriguez Hospital ang biktimang si Francis Ragas, alyas Muslim, ng Phase 84 Blk 172, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod. Halos mawasak ang dibdib nito sanhi ng tumamang shrapnel ng isang home-made shotgun na pinaputok sa kanya ng suspect na nakilalang si Juan Mata, 31 na kalugar ng nasawi.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na dakong alas- 10 ng gabi ng maganap ang insidente sa bahay ng biktima matapos na dalawin siya ng suspect at niyayang mag-inom.
Dahilan sa kawalan ng trabaho at perang pambili ng maiinom sa hindi inaasahang bisita ay wala itong nagawa kundi humingi ng paumanhin sa suspect.
Gayunman, patuloy siyang kinantiyawan ng suspect hanggang sa tuluyan na silang magkapikunan. Makaraan ang ilang sandali ay narinig ang isang malakas na putok at doon nakitang humandusay na duguan ang biktima.
Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended