^

Metro

Anak ni Hajji Alejandro, sinakal ng ex-boyfriend

-
Dahil sa tumanggi umanong makipagbalikan, inatake ng sakal ng dating boyfriend ang anak na dalaga ng sikat na singer na si Hajji Alejandro, kahapon ng umaga sa bahay nito sa Makati City.

Nakilala ang biktimang si Bernadette Alejandro, 25, isang teacher at nakatira sa 24-Ipil Road, South Forbes Park, Makati City.

Samantala, nakakulong naman ang suspect na si Xavier Villa-Abrille, 26, binata, walang trabaho ng 708 Royal Mansion Condominium, Shaw Blvd., Mandaluyong City. Ito ay nakapiit sa Makati City Police Detention Cell.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Ricky Mel Corpuz, ng General Assignment Section (GAS), naganap ang insidente dakong alas-9 kahapon ng umaga sa bahay ng biktima.

Sapilitang pumasok ang biktima sa loob ng bahay ng biktima para kausapin ito at makipagbalikan sa kanya.

Subalit tumanggi ang dalaga kaya’t nagalit ang lalaki at sinakal nito si Bernadette. Humingi ng tulong ang biktima sa katulong at sa kanyang amang si Hajji at kapatid na si Rachel.

Dahil dito, dinakip ng mga rumespondeng guwardiya ng Forbes Park ang nasabing suspect at dinala ito sa nasabing himpilan ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERNADETTE ALEJANDRO

DAHIL

FORBES PARK

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HAJJI ALEJANDRO

IPIL ROAD

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE DETENTION CELL

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with