^

Metro

Ayaw sumama sa welga, tinir-gas sa mata ng kasama

-
Malamang na mabulag ang dalawang babaeng factory worker matapos silang espreyan ng tear gas sa mata ng kanilang kasamahan sa pabrika nang tumanggi ang mga ito na sumama sa kanilang kilos-protesta, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela District Hospital ang mga biktimang sina Tahta Dohilag, 20, at Myrna Corronacion, 39, kapwa residente ng C. Molina St., Veinte Reales ng nabanggit na lungsod at manggagawa ng RJE Enterprises sa Veinte Reales. Ito ay matapos silang makaramdam nang pananakit ng mata at pagsusuka bunga ng tear gas na inisprey sa kanila ng suspect at kasamahan nila sa trabaho na si Jecelyn Roasa, ng Ramelyn Subdivision ng naturang lungsod.

Nabatid na dakong alas-7:30 kahapon ng umaga ng maganap ang insidente sa harap ng naturang pabrika habang nagwewelga ang ilang empleyado kabilang ang suspect bunga ng umano’y mababang pasuweldo ng pabrika.

Nagpilit umanong pumasok sa loob ng pabrika ang mga biktima na tumangging sumama sa welga na siyang ikinagalit ng suspect hanggang sa magkaroon ng pagtatalo ang mga ito.

Isang welgista ang umano’y nag-abot ng tear gas sa suspect at agad naman nitong inisprey sa mata ng dalawang biktima.

Agad namang naaresto ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa Valenzuela police detention cell. (Ulat ni Gemma Amargo)

GEMMA AMARGO

ISANG

JECELYN ROASA

MOLINA ST.

MYRNA CORRONACION

RAMELYN SUBDIVISION

TAHTA DOHILAG

VALENZUELA CITY

VALENZUELA DISTRICT HOSPITAL

VEINTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with