Amalia Fuentes, Dina Bonnevie kinasuhan ng P35M libelo
August 7, 2001 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng P35 milyong libel suit sa Quezon City Prosecutors Office (QCPO) ng talent manager na si Ethel Ramos ang aktres na si Amalia Fuentes at si Dina Bonnevie, ang host ng TV show na D! Day makaraang akusahan siya na responsable sa pagkakawatak-watak ng pamilya Muhlach.
Batay sa iniharap na reklamo ni Ramos, talent manager ng aktor na si Aga Muhlach at naninirahan sa Cubao, Quezon City, sinabi nito na nakakasirang puri ang mga binitiwang salita ni Fuentes sa show ni Bonnevie nang mag-guest ito noong Mayo 31 sa Channel 7.
Bukod kina Fuentes at Bonnevie, sinampahan din ng kaso ang producer ng programa na si Rommel Gacho.
Nabatid na sa naturang taped interview tinawag ni Fuentes na control freak si Ramos upang magawa ang kanyang mga gusto sa kanyang mga talent.
Inakusahan din ni Fuentes si Ramos na dahilan upang tanggihan ni Aga ang kanyang commitment sa Japan na nooy inayos ng ama nito na si Cheng Muhlach.
Sinabihan din ng beteranang aktres si Ramos na pangit at walang karapatang magdesisyon para kay Aga upang papiliin ito sa pagitan niya (Ramos) at ng tinaguriang Dancing Queen at Miss Universe na si Dayanara Torres.
Ayon kay Ramos, malaking kahihiyan at sama ng loob ang ginawa sa kanya ni Fuentes sa harap ng kanyang mga kasamahan sa industriya at sa kapwa niya talent manager.
Aniya, sa akusasyon ni Fuentes, ipinakikita nito na siya ay isang makasarili, mapang-abuso at unprofessional talent manager na nagmamanipula ng mga talent para sa sariling interes at para sa pamilya.
Matatandaan na noong Hunyo 28 ay nagharap si Fuentes ng P20-million libel suit laban naman kay Ramos at sa kapatid nito na si Chit Ramos at sa S-Files host na si Paolo Bediones matapos naman na tawaging aparador si Fuentes. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended