^

Metro

4 kidnappers ng UST coed nasakote

-
Apat na miyembro ng pinaghihinalaang big-time kidnap-for-ransom gang kabilang ang naghudas na family driver na itinuturong lider sa pagdukot sa isang 2nd year college student ng University of Santo Tomas ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon sa Metro Manila at Dagupan City.

Nakilala ang mga nalambat na suspect na sina Renato Mecaydor, alyas Rene, 28, tubong Almeria, Leyte at family driver ng pamilya Quilindros; Edcel Tomas Piga, 22; Geraldine Dulca, 29 at Rey Anselmo, 31.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang mga suspect ay responsable sa pagdukot sa biktimang si Mary Ruth, anak ng may-ari ng Perpetual Succor Hospital sa Sampaloc, Maynila noong Hulyo 28 ng taong kasalukuyan.

Bukod dito, sangkot rin ang mga suspect sa serye ng kidnapping sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Nabatid na ang biktima ay pinalaya ng mga kidnapper noong nakaraang Hulyo 31, matapos na magbayad ng P3.5M ransom ang pamilya nito sa grupo ng mga kidnapper.

Makalipas ang mahigit isang linggong surveillance ay isa-isang nadakip ang mga suspect.

Si Mecaydor ay nalambat sa loob ng Perpetual Succor Hospital habang ang iba pang mga suspect ay nadakip naman sa Sampaloc, Maynila at Dagupan City.

Nabawi sa mga ito ang P850,000 cash na pinaniniwalaang bahagi ng nakolektang ransom ng mga kidnapper at isang Toyota Lite-Ace van na ginagamit na get-away vehicle. (Ulat ni Joy Cantos)

DAGUPAN CITY

EDCEL TOMAS PIGA

GERALDINE DULCA

HULYO

JOY CANTOS

MARY RUTH

MAYNILA

METRO MANILA

PERPETUAL SUCCOR HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with