Empleado kinursunadang saksakin, patay
August 6, 2001 | 12:00am
Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga operatiba ng Western Police District laban sa pitong kabataang lalaki na hinihinalang pawang lango sa ipinagbabawal na gamot matapos na makursunadang tadtarin ng saksak ang isang empleado kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Agad na nalagutan ng hininga ang biktima na si Jovit Roque, stay-in employee bilang driver-mechanic ng Massive Corporation sa Bagac St., at residente ng 2815 Abad Santos Ave., pawang sa Tondo, nasabing lungsod bunga ng maraming tama ng patalim sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa imbestigasyon ni Det. Raul Olivario, ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa harapan ng isang tindahan sa Torres Bugallon, Molave, Extension.
Kagagaling lamang sa handaan ang biktima kasama ang dalawang kaibigan na sina Ramil Zacarias, 27 at Danny Geranto, 23, nang dumaan ang mga ito sa isang tindahan at umorder ng beer makaraang mabitin umano sila sa alak.
Habang umiinom si Roque ay bigla na lamang lumapit ang pitong kabataan na tinatayang nagkakaedad ng 20-25 at pawang mga payat.
Nagulat na lamang sina Roque, Zacarias at Geranto nang halos sabay-sabay na undayan sila ng saksak.
Himala naman na tanging daplis at haging lamang ang inabot ng dalawang kasamahan ni Roque at ang huli ang napuruhan sanhi ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended