Bagitong pulis ginulpi
August 6, 2001 | 12:00am
Isang rookie cop ang pinagbubugbog at tinangay pa ang kanyang cellphone ng mga lalaking tangka niyang arestuhin nang maaktuhang nagsusugal kahapon ng madaling-araw sa Navotas, Metro Manila.
Nagtamo ng mga galos at pasa sa mukha at ibat ibang parte ng kanyang katawan si PO1 Randi Pingol, nasa hustong gulang at nakatalaga sa Navotas Police Community Precinct 4 habang detenido naman sa nasabing himpilan ang isa sa mga suspek na si Arnold Lope, 29, at residente ng Road 10, Northbay Boulevard North, nasabing bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang nasabing himpilan ng pulisya sa mga residente hinggil sa umanoy nagaganap na sugalang tong-its ng ilang kalalakihan sa di-kalayuan sa Barron Videoke bar sa Northway Boulevard at nakakaperwisyo dahil sa sobrang ingay ng mga ito.
Agad namang nagresponde si Pingol kasama ang dalawa pang pulis at dito naaktuhan nila na kasalukuyang nagkakagulo pa ang mga suspek at tuwang-tuwa na naglalaro ng tong-its.
Nang makitang papalapit ang mga pulis ay agad na nagpulasan ang mga nagsusugal sanhi upang magkahabulan. Nagkahiwa-hiwalay ang tatlong pulis hanggang sa makarating si Pingol sa lugar na teritoryo ng mga suspek.
Kinuyog si Pingol at bagaman nagpakilala siyang pulis ay pinagtulungan pa rin siyang gulpihin ng mga kalalakihan at isa dito ang tumangay ng kanyang cellphone.
Agad namang sumaklolo ang dalawang kasamang pulis ng biktima sanhi upang masakote si Lope.
Agad na dinala ang bugbog-saradong pulis sa Navotas Lying-In Clinic para sa karampatang lunas. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am