Kidnappers ng estudyante tinutugis
August 4, 2001 | 12:00am
Dahilan sa pagtanggi umano ng pamilya ng dinukot ng 19-anyos na veterinary student kung kayat nahihirapan umano ang mga kagawad ng Malabon police kung sino ang responsable sa pagkidnap dito, kamakalawa ng tanghali.
Sinabi ni Supt. Ernesto Fojas, hepe ng Malabon police, na nakipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy kung sino at anong grupo ang responsable sa pagdukot kay Nino Lorenzo Tobiano, 3rd year student sa Gregorio Araneta University Foundation (GAUF) dakong alas-12:30 ng tanghali sa Lote St., Brgy. Potrero, Malabon.
Idinagdag pa ni Fojas na nagpalabas na rin sila ng cartographic sketch ng limang pinaghihinalaang miyembro ng kidnap-for-ransom (KFR) syndicate base na rin sa mga nakasaksi sa pagdukot sa biktima.
Ang mga suspect ay sakay ng isang berdeng Toyota Corolla na walang plate no. at isang gray na Mitsubishi na may plate no. BBY-851 nang harangin ng mga ito si Tobiano na galing sa bahay ng kanyang kaibigan matapos itong mananghalian at magpakilalang mga pulis na may dalang warrant of arrest.
Subalit nang tumanggi umanong sumama ang biktima ay bigla na lamang hinawakan ng isa sa mga suspect ang una at itinulak sa loob ng kotse.
Napag-alaman na ang biktima ay anak ng may-ari ng pabrika ng Progressive Feeds at residente ng Congressional Village, Proj. 8, QC. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended