^

Metro

15 high school students biktima ng hazing

-
Labing-limang high school students ang umano’y inabuso ng ilang lider ng isang fraternity group makaraang sumailalim ang mga ito sa initiation rites sa isang bakanteng lote ng Greenheights Subd., Brgy. Putatan, Muntinlupa, kamakalawa ng hapon.

Pawang mga third year students sa Muntinlupa City National High School ang dumulog sa himpilan ng pulisya kahapon upang maghain ng reklamo laban sa mga lider ng Scout Royal Brotherhood (SRB) matapos na isigaw na sila’y biktima ng hazing.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Angelito Palaya, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng hapon noong Hulyo 30, 2001 nang isagawa ang initiation rites ng nasabing fraternity-sorority sa isang bakanteng lote ng Greenheights Subd. ng nabanggit na barangay.

Ayon sa mga biktima, pinilit silang lumahok sa naturang initiation rites, piniringan at pinagpapalo sila sa puwet ng dos-por-dos ng mga lider ng SRB na pawang mga fourth year students ng nasabing eskuwelahan.

Kinilala ang ilan sa mga suspects na sina Marlon Magalong, Jacklyn Casimiro at Jennelyn del Monte.

Inaalam pa ng pulisya kung positibo na may partisipasyon ang isang faculty member na pansamantalang hindi ipinabanggit ang pangalan at inaakusahang namumuno sa nasabing organisasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANGELITO PALAYA

AYON

BRGY

GREENHEIGHTS SUBD

JACKLYN CASIMIRO

LORDETH BONILLA

MARLON MAGALONG

MUNTINLUPA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

SCOUT ROYAL BROTHERHOOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with