Matadero kinatay ng kapwa matadero
August 3, 2001 | 12:00am
Isang matadero ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kapwa niya matadero dahil sa panunulot umano ng una sa asawa ng huli, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Hindi na umabot nang buhay sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Pascual Datul, 31, ng Pasay City bunga ng mga tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Ang suspect na mabilis na tumakas ay nakilalang si Buboy Cuello, stay-in butcher sa meat section ng Pasay City Public Market.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Eduardo Cabria ng CID, naganap ang insidente dakong alas- 6 ng umaga sa loob mismo ng Pasay City Public Market.
Nag-aayos umano ng mga kinatay na karne ng baboy ang biktimang si Datul nang dumating ang suspect na umanoy lasing at galit na galit. Kinausap umano nito ang biktima hinggil sa pagkakaroon umano nito ng relasyon sa kanyang misis.
Para hindi na lumaki ang gulo ay hindi na lamang pinansin ng biktima ang suspect dahil nga sa lango ito sa alak.
Sa puntong ito nairita ang suspect at agad nitong hinugot ang nakasukbit na kutsilyong gamit sa pangkatay ng baboy at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest