Kinilala ni PNP-ASG Director Marcelo Ele Jr., ang suspek na si Julius Almeda, isang aircraft maintenance ng Singapore Airlines.
Si Almeda ay pasakay sana ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-501 papuntang Singapore.
Nakuha sa kaliwang bulsa ni Almeda ang tatlong sachet ng shabu ng kapkapan ito ng isang NUP.
Inamin ni Almeda na tumira umano siya ng pinagbabawal na gamot at totoong kanya ang mga shabung nakuha sa kanyag polo shirt.
Pangpagana lang ito sabi ni Almeda ng tanungin ng ilang reporters sa airport. (Ulat ni Butch Quejada)