^

Metro

OFW tiklo sa shabu

-
Isang 32-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na sabog sa pinagbabawal na gamot ang nahulihan ng 35 gramo ng shabu matapos itong makapa ng mga non-uniform personnel ng PNP Aviation Security Group habang papasok ito sa departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2, kahapon ng hapon.

Kinilala ni PNP-ASG Director Marcelo Ele Jr., ang suspek na si Julius Almeda, isang aircraft maintenance ng Singapore Airlines.

Si Almeda ay pasakay sana ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-501 papuntang Singapore.

Nakuha sa kaliwang bulsa ni Almeda ang tatlong sachet ng shabu ng kapkapan ito ng isang NUP.

Inamin ni Almeda na tumira umano siya ng pinagbabawal na gamot at totoong kanya ang mga shabung nakuha sa kanyag polo shirt.

‘Pangpagana lang ito’ sabi ni Almeda ng tanungin ng ilang reporters sa airport. (Ulat ni Butch Quejada)

ALMEDA

AVIATION SECURITY GROUP

BUTCH QUEJADA

DIRECTOR MARCELO ELE JR.

INAMIN

JULIUS ALMEDA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT CENTENNIAL TERMINAL

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PHILIPPINE AIRLINES

SI ALMEDA

SINGAPORE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with