P150,000 cellphone kinulimbat ng technician
July 31, 2001 | 12:00am
Umaabot sa halagang P150,000 halaga ng mga cellphone at mga accessories ang natangay buhat sa isang cellphone stall sa loob ng isang shopping center ng sarili nilang technician, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Isang manhunt na ngayon ang inilunsad upang maaresto ang tumakas na suspect na si Junjun Saraon, 25, empleyado ng Teknocom Marketing at residente ng #15-A Flores St., Brgy. Caniogan, Pasig City.
Sa ulat ni PO3 Romarico Sta. Maria, imbestigador, maagang pumasok sa trabaho dakong alas-8 ng umaga si Saraon sa kanilang stall sa loob ng EDSA Central Shopping Complex sa may Shaw Blvd. na pag-aari ni Nora Rubio, 46, may asawa at residente ng #45 KC 36 St., Phase 2 C-2 karangalan Village, Pasig City.
Makalipas ang ilang sandali, bigla umanong umalis na lamang si Saraon bitbit ang isang bag. Nadiskubre lamang ang insidente nang mapadaan ang isang kapwa empleyado at mapansing nakabukas ang istante at wala nang laman.
Agad nilang ipinagbigay-alam ang pangyayrai sa may-aring si Rubio na agad na nagtungo sa naturang lugar. Dito nabatid na ginamitan ng suspect ng bolt cutter ang kandado ng mga istante saka nilimas ang mga laman nitong cellphones, sim cards, charger at iba pang accessories. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended