Walang pambili ng gamot, mister nagbigti
July 31, 2001 | 12:00am
Dahil umano sa walang pambili ng gamot para sa sakit na diabetes, isang 43-anyos na lalaki ang nagbigti, kahapon sa Makati City.
Nakilala ang nasawi na si Elmer Mendoza, may asawa ng nabanggit na lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 John Ramirez, ng homicide section ng Makati City Police dakong alas-2:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa kisame ng bahay.
Nabatid sa bayaw ng nasawi na nakilalang si Edwin Ferrer na ito na ang pangalawang pagtatangkang pagpapakamatay ng kanyang bayaw at dahil sa walang nakapagbantay ay natuluyan na itong kitlin ang kanyang buhay.
Sinabi pa ni Ferrer na ang pamilya ni Mendoza ay naninirahan sa Antipolo, Rizal. Dahil sa walang hanapbuhay ay nakipisan ang nasawi sa kanilang bahay habang nag-aabang at nagbabakasakali na makahanap ng trabaho.
Matindi rin umano ang problema nito na wala siyang mapagkunan ng pambili ng kanyang gamot sa sakit na diabetes. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended