^

Metro

Chinese national timbog sa P6M shabu

-
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Narcotics Group (PNP- NarGroup) ang isang Chinese national na hinihinalang miyembro ng isang international drug syndicates na kumikilos sa Metro Manila kasabay ng pagkakasamsam sa may tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon sa isinagawang drug bust operations sa Valenzuela City.

Ang nadakip na suspect ay nakilalang si Li Zhebong, 31, tubong Mainland China, isang negosyante na iniharap kahapon nina PNP-NarGroup director Chief Superintendent Reynor Gonzales at Metro Manila Narcotics Group chief, Supt. Pepito Domantay sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Ang buy-bust operation ay isinagawa sa bisinidad ng Hiyas Subdivision sa Valenzuela.

Sa isinagawang interogasyon sa suspect, nabatid na may ilan pa itong kasabwat na Chinese nationals sa nabanggit na ‘drug business’ sa Metro Manila, ngunit tumanggi ang pulisya na magbigay ng detalye sa mga ito sa hangaring huwag mabulilyaso ang isinasagawang ‘dragnet operation’.

Patuloy naman ang malawakang manhunt operation sa iba pang kasamahan ng nadakip na suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

CHIEF SUPERINTENDENT REYNOR GONZALES

HIYAS SUBDIVISION

JOY CANTOS

LI ZHEBONG

MAINLAND CHINA

METRO MANILA

METRO MANILA NARCOTICS GROUP

NARCOTICS GROUP

PEPITO DOMANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with