Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator Wilhelm Soriano, umaabot na sa P1.127 milyon ang kanilang nalilikom at inaasahan na may mga taong magaganda pang kalooban na magbibigay ng tulong upang mabuo ang halagang P2.3 milyon na kakailanganing halaga ng pamahalaan bilang diya o blood money upang mapalaya ang Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Ramos.
Napagdusahan na ni Ramos ang dalawang taon na pagkakabilanggo bilang kaparusahan nito sa pagkakapaslang sa kanyang amo na ibinaba ng UAE court at pinagbabayad pa ito ng P2.3 milyong diya.
Ang mga tumulong ay sina Ambassador Amable Aguiluz ng Embahada ng Pilipinas sa UAE (32,000 dirham na katumbas ng P450,000), Rotary Club of Makati (P60,000), Eugene Yu (P40,000), Ernie Salas (P75,000), Robert at asawang si Vicky Estacio (P50,000), Taim Tsat Tsui East(P15,000), Tosiyuki Sasal (P20,000 yen o P8,000), PAGCOR (400,000), FG (100,000), PCSO(100,000), Philip Beltran(P50,000), Congressman Abraham Mitra (10,000), Joseph Ramos (P1,000) at OWWA Regional Units(32,000). (Ulat ni Ellen Fernando)