Singer-comedian tiklo sa marijuana

Hindi nakaligtas sa kamay ng batas ang isang singer-comedian matapos na maaktuhan umano na nagbibilot ng ipinagbabawal na pinatuyong marijuana sa Bagong Barrio, Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kalaboso ang inabot ni Vicente Quilet, lalong kilala sa pangalang Vincent Daffalong,48, may-asawa at residente ng Road 8 Project 6, Quezon City matapos na mahulihan ng hindi pa mabatid na dami ng marijuana.

Dakong ala-1 ng madaling-araw nang arestuhin si Daffalong na nagpasikat ng awiting "Mahigang Nunal" noong dekada 80, sa loob ng isang Kia Pregio van na may plakang YTY-710 na nakaparada sa kahabaan ng Dori Vicente St., Caloocan City.

Isang impormante ang nagbigay ng tip sa pulisya na nakakita kay Daffalong na nagbabalot ng marijuana kaya agad namang nirespondehan ng awtoridad.(Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments