^

Metro

Mag-utol na paslit patay sa sunog

-
Nalitson nang buhay ang magkapatid na paslit na may edad na 5 at 6 na taong gulang na nagsimula lamang dahil sa kapabayaan ng mag-asawang nagluluto ng kaning baboy sa Tondo, Manila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Junel at Judel Fernando, ng Laguna Extension, Tondo, Manila.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Western Police District Arson Division, nabatid na ang magkapatid na biktima ay naiwan ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay na nakilala lamang sa palayaw na Joey Pepe makaraang magpaalam ito sandali at nakipagkuwentuhan sa kanyang mga barkada sa katabing kalye sa Dagupan Extension.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na ang mga bumbero at doon lamang nalaman ng ama ng mga bata na may nagaganap na sunog at tinutupok na ang kanilang bahay.

Nabatid na nagsimula ang sunog dakong alas-8:35 ng gabi at naapula lamang ganap na alas 12:32 ng madaling araw.

Samantala, kasalukuyan pa ring sinisiyasat ng pulisya ang mag-asawang sina Walter at Lorie Salinas ng Dagupan Extension, Tondo Manila na sinasabing nagpabaya matapos na magsalang ng nilulutong kaning baboy. Habang nakasalang ay nagkaroon ng pag-aaway ang mag-asawa hanggang sa maghabulan sa labas ng kanilang bahay.

Nakaligtaan ng mga ito ang nakasalang na kaning baboy na sinasabing ito ang siyang pinagsimulan ng sunog.

Samantala, nabatid pa rin na hindi nagawa ng mga batang makalabas ng kanilang bahay dahil na rin sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kanilang paligid. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

DAGUPAN EXTENSION

HABANG

JOEY PEPE

JUDEL FERNANDO

LAGUNA EXTENSION

LORIE SALINAS

SAMANTALA

TONDO MANILA

WESTERN POLICE DISTRICT ARSON DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with