^

Metro

Dahil sa selos, 33 anyos pinaslang ng kaibigan

-
Nilasing muna bago pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na lalaki ng kanyang kaibigan, matapos umanong magselos ang huli dahil naghihinala ito na may relasyon ang una at ang kanyang misis na naganap kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Hindi na umabot pang buhay matapos isugod sa Las Piñas Doctor Hospital ang biktima na nakilalang si Ramir Loganog, alyas Bong, ng Brgy. Pulang Lupa 2 ng nabanggit na lungsod matapos na tadtarin ng bala ng baril sa katawan ng suspect.

Samantala, agad namang tumakas ang kaibigan nitong suspect na nakilalang si Rene Aldabe, 39, ng St. Joseph Subd. ng nabanggit ding barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na naghihinala umano si Aldabe na may relasyon ang kanyang asawa at kaibigang si Loganog.

Niyaya umano ng suspect ang biktima ng inuman at nang malasing ang huli ay doon kumuha ang suspect ng baril at makailang ulit na pinagbabaril ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALDABE

AYON

BRGY

DOCTOR HOSPITAL

LAS PI

LORDETH BONILLA

PULANG LUPA

RAMIR LOGANOG

RENE ALDABE

ST. JOSEPH SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with