^

Metro

Task Force "Tadao", itinatag

-
Nagbuo kahapon ang pamunuan ng Northern Police District Office (NPDO) ng Task Force Tadao upang mabilis na madakip ang responsable sa pamamaslang sa international musician.

Ito ang sinabi kahapon sa isang press conference ni Chief Supt. Vidal Querol, hepe ng NPDO kasabay ng pagtatalaga kay Sr. Supt. Benjardi Mantele, chief ng Caloocan police.

Ayon kay Querol, ang pagtatatag ng Task Force Tadao ay upang mapabilis ang pagkakadakip sa suspect na responsable sa pagpatay kay Tadao Hayashi.

Kaugnay nito, nagtungo at nakipagkita kahapon kay Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo ang mga kamag-anak ni Hayashi.

Sinabi naman ni Mantele na anumang oras simula ngayon ay maaari nang madakip ang nag-iisang suspect na pumaslang kay Hayashi na umano’y isa ring malapit sa biktima at labas-masok sa bahay nito.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na crime of passion at hindi ang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang. (Ulat ni Gemma Amargo)

BENJARDI MANTELE

CALOOCAN CITY MAYOR REYNALDO MALONZO

CHIEF SUPT

GEMMA AMARGO

HAYASHI

NORTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

SR. SUPT

TADAO HAYASHI

TASK FORCE TADAO

VIDAL QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with