Bus sumalpok sa poste ng MRT; 12 sugatan

Labindalawang katao ang malubhang nasugatan makaraang mawalan ng preno at sumalpok sa poste ng Metro Rail Transit ang isang pampasaherong bus na pag-aari ng singer na si Claire dela Fuente, kahapon ng umaga sa kahabaan ng Edsa-Ortigas Avenue.

Naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga nang mawalan ng preno ang Kings bus transit na may plakang PYG-910.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, walang nagawa ang driver ng nasabing bus na nakilalang si Tito Dolorez, 44, kundi ibangga sa poste ng MRT ang sasakyan makaraang tuluyan na itong mawalan ng kontrol.

Ang mga sugatang biktima ay mabilis na isinugod sa Quirino Labor Hospital.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso si Dolores. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments