Ang hakbang ayon kay LTO Chief Edgardo Abenina ay ipatutupad bunsod na rin ng hindi mapigil na katiwalian sa mga transaksyon sa ahensiya sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling tauhan ng ahensiya.
Dahil sa mawawala na ang mga kahera sa LTO ang lahat ng bayarin sa mga transaksyon dito, tulad ng drivers license fee at registration fee ay sa bangko na babayaran.
Ang pagkakaroon din umano ng cashiers station sa LTO ang nagiging dahilan ng pagkabalam ng pagre-release ng mga dokumento sa pagre-rehistro ng mga sasakyan.
Hiningi naman ni Abenina ang pang-unawa ng mga aplikante dahil ang hakbang anya ay isang paraan para mawala na ang katiwalian sa ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)