'Cashless system' ipatutupad sa LTO
July 25, 2001 | 12:00am
Upang umanoy maibsan ang matinding korupsiyon at katiwalian sa Land Transportation Office (LTO) sisimulan na sa susunod na buwan (Agosto) ang cashless system sa lahat ng transaksyon sa ahensiya.
Ang hakbang ayon kay LTO Chief Edgardo Abenina ay ipatutupad bunsod na rin ng hindi mapigil na katiwalian sa mga transaksyon sa ahensiya sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling tauhan ng ahensiya.
Dahil sa mawawala na ang mga kahera sa LTO ang lahat ng bayarin sa mga transaksyon dito, tulad ng drivers license fee at registration fee ay sa bangko na babayaran.
Ang pagkakaroon din umano ng cashiers station sa LTO ang nagiging dahilan ng pagkabalam ng pagre-release ng mga dokumento sa pagre-rehistro ng mga sasakyan.
Hiningi naman ni Abenina ang pang-unawa ng mga aplikante dahil ang hakbang anya ay isang paraan para mawala na ang katiwalian sa ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am