^

Metro

P.2-M sa ulo ng killer ni Hayashi

-
Naglaan ng P200,000 reward si Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo at ang Japanese Embassy sa sinumang maaaring makapagturo sa suspect na sangkot sa pagpaslang sa international artist musician na si Tadao Hayashi na pinaslang sa loob ng kanyang tirahan sa nabanggit na siyudad kamakalawa.

Kasabay nito, ipinalabas na rin kahapon ng pulisya ang cartographic sketch ng suspect na siyang huling nakita ng mga testigo na pumasok sa bahay ng biktima bago natagpuan kinabukasan ang labi nito.

Base sa paglalarawan sa salarin, ito ay tinatayang nasa gulang na 25 hanggang 30, may taas na 5’2’’ talampakan, kayumanggi, malaki ang pangangatawan at maiksi ang buhok.

Samantala, ang pabuyang P100,000 ay inilaan naman ni Mayor Malonzo makaraang magtungo sa kanyang tanggapan at humingi ng tulong para sa madaliang ikalulutas ng kaso si Vice Consul Shinichi Nara ng Japanese Embassy. Samantalang karagdagang P100,000 pa ay mula naman sa Japanese Embassy.

Magugunitang kamakalawa ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kuwarto nito sa kanyang tinutuluyang bahay sa Block 1, Lot 2, LD Subdivision, Phase 12, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Lumabas sa isinasagawang imbestigasyon na noong nakalipas na Biyernes (Hulyo 13) nagkaroon ng mini-concert ang biktima sa isang hotel sa Makati kung saan malaking halaga umano ang kinita nito.

Malaki ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang suspect na nakita pa ng mga testigo na pinapasok nito sa loob ng kanyang bahay.

Nakita rin sa ibabaw ng lamesa sa sala ng bahay ang dalawang baso na posibleng ginamit pa ng biktima at suspect bago naganap ang krimen. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BIYERNES

CALOOCAN CITY MAYOR REYNALDO MALONZO

GEMMA AMARGO

HULYO

JAPANESE EMBASSY

KASABAY

MAYOR MALONZO

TADAO HAYASHI

VICE CONSUL SHINICHI NARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with