Mister nagtampo sa misis, hinostage ang anak
July 24, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagbalewala ng kanyang misis sa kanyang kaarawan, nagawang i-hostage ng isang ama ang kanyang dalawang taong gulang na anak, makaraang tangkang pasabugin nito ang isang tangke ng LPG, kamakalawa sa bayan ng Taguig.
Ang suspect na ama na kasalukuyang nakapiit sa Taguig Police Detention cell ay nakilalang si Eugene Gonzales, 26, tubong Zambales at kasalukuyang naninirahan sa 493 5th Street, GHQ Village ng bayang ito.
Nakilala naman ang paslit na hinostage mismo ng kanyang sariling ama na si King Eugene Gonzales.
Ayon sa reklamo ni Relly Gonzales, asawa ng suspect na naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Nabatid sa ginang na hindi umano siya pinapapasok sa trabaho ng kanyang mister dahil sa kaarawan nito.
Pinaliwanagan naman niya ito na hindi siya maaaring mag-absent sa trabaho.
Dahil dito, naiwan sa bahay ang mister at ang kanilang anak. Lingid sa kaalaman ni Relly ay naglasing ang kanyang mister at nagawang i-hostage ang kanilang anak.
Kinuha ng suspect ang tangke ng gas na binuksan nito habang hawak ang bata at sa isang kamay naman ay tangan pa nito ang isang posporo.
Nagbanta itong sisilaban ang kabahayan kung lalapit ang mga awtoridad.
Tumagal ng limang oras ang naganap na negosasyon hanggang sa tuluyang mapayapa ang suspect at isauli sa ina ang bata. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended