World-renowned musician, natagpuang patay
July 24, 2001 | 12:00am
Natagpuang patay kahapon ng umaga sa loob ng kanyang tahanan ang tinaguriang world-renowned Japanese instrumentalist na si Tadao Hayashi sa Caloocan City.
Ayon kay police chief Supt. Benjardi Mantele, ang labi ng biktimang si Hayashi, 62, ay nadiskubre ng kanyang personal assistant na si Antonio Clet, sa loob ng kuwarto nito dakong alas- 6 ng umaga.
Ang kilalang harpist ay nagtamo ng mga sugat sa ulo. Nawawala rin ang VCD player na pag-aari ng biktima.
Ayon sa sketchy report na nakalap ng pulisya na isang hindi nakikilalang lalaki ang dumating sa bahay ng biktima sa Block 5, Lot 2. LD Village, Tala kamakalawa ng gabi. Binanggit pa ng mga testigo na nakita nila ang biktima na pinapasok ng bahay ang naturang lalaki.
Nakadiskubre rin ang pulisya ng dalawang basong gamit sa lamesa ng living room ng biktima, gayunman sinasabing ang kuwarto ng biktima ay gulung-gulo tanda na nagkaroon ng struggle sa loob nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended