Ang suspect ay nakilalang si Eulogio Bacarro,46, ng Bernardino St., Laperal Compound, Brgy. Guadalupe Nuevo, ng lunsod na nabanggit. Ang matandang Bacarro ay nakapiit sa Makati City Police detention cell makaraang sumuko sa mga awtoridad matapos ang naganap na krimen.
Samantala, nakilala naman ang nasawing anak na si Bryan Bacarro, 21, binata, na nagtamo ng ilang saksak sa katawan.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jovenal Barbosa, ng homicide section, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali kahapon.
Nadiskubre ng suspect na ginahasa ng biktima ang sarili nitong kapatid na dalaga sanhi ng pagiging sugapa nito sa ipinagbabawal na gamot.
Kinompronta ng ama ang anak dahil sa ginawa nitong kahalayan sa kanyang kapatid.
Imbes na magpaliwanag ay nagalit pa ang batang Bacarro sa kanyang ama na tinangka pang sugurin ng saksak ng una. Nakailag ang matandang Bacarro at naagaw ang patalim na inunday naman sa biktima at naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)