Pulis tinarakan sa leeg ng holdaper
July 23, 2001 | 12:00am
Hindi na umabot ng buhay sa hospital ang isang miyembro ng Pasay police matapos tarakan sa leeg ng isang holdaper na pinoposasan nito kahapon ng umaga sa Apelo Cruz St., kanto ng Edsa ng nasabing lungsod.
Ang biktima ay nakilalang si PO1 Jesus Guerrero Tatel, 32, may-asawa, at nakatalaga sa Police Community Precint 7.
Samantala kritikal naman sa Pasay City General Hospital ang isa sa apat na holdaper na nakilalang si Roberto Geradini, 21, matapos mabaril sa likod ni Tatel.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsasagawa ng patrulya si Tatel at kasamahan nito dakong alas-5:45 ng umaga sa nasabing lugar ng mapansin nila ang apat na holdaper.
Nang bumaba ng mobile patrol ang biktima ay nagtakbuhan ang mga suspek at tanging naaresto nila ay si Geradini.
Nang pinoposasan na ni Tatel si Geradini ay pumalag ito sabay bunot ng patalim at tinarakan sa leeg ang pulis.
Kahit na may tama si Tatel ay nagawa pa nitong bunutin ang baril at pinaputukan ang holdaper na tinamaan sa likod. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended