^

Metro

Mga pulis na umaresto sa 2 ABB leader,inireklamo sa CHR

-
Ipaghaharap ng kasong paglabag sa karapatang pantao sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga pulis na humuli sa dalawang ABB leader na miyembro ng Sosyalistang Kilusang Manggagawa (SKM), kamakailan sa isang food chain sa Quezon City.

Sinabi ni Atty. Josefina David, abogado ng mga inarestong sina Danilo Singh at Rolando Marcelo, ipaghaharap nila ng kaso sa CHR ang mga humuli sa dalawa dahil sa hindi makataong ginawa ng mga pulis sa mga ito.

Wala umanong kaabug-abog na inaresto ng mga pulis na hindi nakauniporme sa loob ng Jollibee food chain sa Philcoa sa harap ng maraming tao ang mga nabanggit, na ito ay isa sa itinuturing nilang paglabag sa karapatang pantao.

Agad din umanong piniringan ang dalawa at saka isinakay sa isang sasakyan at pagkatapos ay mabilis na iniharap sa media kasama ang mga matataas na kalibre ng armas.

Iba din umano ang mga pulis na humuli kina Singh at Marcelo at iba rin ang nagdala sa mga ito sa harap ng media.

Ang dalawang dinakip ay nakalalaya sa kasalukuyan matapos na magpiyansa sa kasong illegal possession of firearms. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

DANILO SINGH

HUMAN RIGHTS

IPAGHAHARAP

JOSEFINA DAVID

QUEZON CITY

ROLANDO MARCELO

SOSYALISTANG KILUSANG MANGGAGAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with