Sindikato sa loob ng Philpost nalansag
July 21, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ang sindikatong nambibiktima sa loob ng Philippine Postal Corporation (Philpost) makaraang madakip ang itinuturong isa sa mga utak nito sa isinagawang entrapment operations sa Parañaque City.
Kinilala ni PNP-CIDG Director Chief Supt. Nestorio Gualberto ang nahuling suspect na si Margarita Medrano, 55-anyos, residente ng Fausta Village, Marilao, Bulacan.
Sinabi ni Gualberto na si Medrano ay nadakip matapos na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan si Post Master General Nicasio Rodriguez hinggil sa talamak na pagbili ng bultu-bultong postage stamps gamit ang nakaw o kayay aktibong mga tseke.
Nahuli ang suspect sa isinagawang entrapment operations habang aktong tinatanggap nito ang 50,000 piraso ng postal stamp na nagkakahalaga ng P250,000 mula kay Ms. Aida Eclipse, cashier ng Parañaque Postal Branch Office.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang sindikato ng grupo ni Medrano ay nagpupuslit ng milyong halaga ng postage stamps sa apat na magkakahiwalay na illegal na transaksiyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest