^

Metro

Adik nanunog ng kama sa motel

-
Naaresto ng pulisya ang isang umano’y adik na Fil-American matapos nitong silaban ang kama sa kanyang tinutuluyang kuwarto sa Anito Motel kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nagwala na si Reynaldo Guico, 48, ng Sta. Teresita, Angeles City, Pampanga.

Base sa ulat dakong alas- 6 ng umaga ng maaresto ang suspect sa loob ng Room 45 ng Anito Motel na matatagpuan sa kahabaan ng Ponce St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na unang nag-check-in ang suspect sa nasabing motel dakong alas -8 kamakalawa ng gabi matapos itong magbigay ng P1,000 down payment.

Subalit kahapon ng umaga ay napansin ng mga roomboy na may lumalabas na usok mula sa kuwarto ng suspect dahilan upang kaagad na tumawag sila ng pamatay-sunog.

Kaagad na nagresponde ang mga kagawad ng pamatay-sunog at naabutan ng mga ito ang suspect na nakaupo sa kama na nag-aapoy kasama pa ang nagliliyab na tuwalya.

Hindi naman makausap ng matino si Guico na pinaniniwalaang bangag sa ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANGELES CITY

ANITO MOTEL

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

FIL-AMERICAN

GEMMA AMARGO

GUICO

KAAGAD

PONCE ST.

REYNALDO GUICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with