4 traffic enforcers tiklo sa kotong

Apat na tiwaling tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos na maaktuhang nangongotong sa isinagawang operasyon sa Makati City.

Kinilala ni PNP-CIDG director Chief Supt. Nestorio Gualberto ang mga nahuling MMDA traffic enforcers na sina Epifanio Palacay, Ruben Villacroses, Honorio Yabut at Emerson Licuna.

Ang mga nabanggit ay dinakip habang nangangasiwa sa daloy ng trapiko sa harapan ng Guadalupe Commercial Center sa Guadalupe, Makati ng nasabing lungsod.

Nabatid na isang entrapment operation ang inihanda ng mga awtoridad kung saan isang tauhan ng CIDG ang nagpanggap na motorista na hinuli naman ng mga suspect.

Sa halagang P500 marked money nahulog sa bitag ang mga nabanggit na suspects.

Nabatid na hindi mabilang ang reklamo na ipinarating sa tanggapan ng PNP-CIDG laban sa mga nahuling suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments