^

Metro

2 ABB leaders laya na matapos magpiyansa

-
Nakalaya na mula sa pagkakapiit ang umano’y dalawang lider ng Alex Boncayao Brigade (ABB) matapos na payagan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na makapagpiyansa kaugnay ng kasong illegal possession of firearms.

Halagang P200,000 ang nailagak na piyansa ni Danny Singh at P80,000 naman ang naibigay na piyansa ni Rolando Marcelo, kapwa miyembro ng militanteng Sosyalistang Kilusang Manggagawa (SKM).

Si Singh na kilala sa tawag na alyas Bombay ay siya ring secretary ng Partido Marxista-Leninista ng Pilipinas (PMLP) at national leader ng ABB-PMLP at si Marcelo alyas Joel ang pangulo ng PMLP Education department.

Si Singh at Marcelo ay inaresto noong Lunes ng gabi sa unahan ng McDonald’s food chain sa Philcoa, QC, matapos na makipagpulong sa kapwa SKM members kaugnay ng planong paglulunsad ng kilos-protesta sa panahon ng SONA ni Pangulong Gloria Arroyo sa Hulyo 23.

Nakuha sa mga ito ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas kabilang na ang isang fragmentation grenade at subersibong dokumento.

Gayunman, nilinaw ni SKM Vice President Roel Garcia na ang matataas na kalibre ng armas at umano’y mga subersibong dokumento na nakuha sa dalawang kasamahan ay pawang planted lamang ng military, bilang isang senyales ng banta sa mga militanteng grupong magsasagawa ng pagkilos sa SONA ng pangulo.

Nadiskubre nila ang umano’y military harassment bunsod na rin ng hindi pagsasampa ng kasong murder laban kina Singh at Marcelo kahit na ang dalawa ay unang pinaghinalaang sangkot sa serye ng pamamaslang na ang pinakahuli umano ay ang Popoy Lagman slay case. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALEX BONCAYAO BRIGADE

DANNY SINGH

MARCELO

PANGULONG GLORIA ARROYO

PARTIDO MARXISTA-LENINISTA

POPOY LAGMAN

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

ROLANDO MARCELO

SI SINGH

SOSYALISTANG KILUSANG MANGGAGAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with