Pulis, 1 pa tiklo sa carnapping
July 17, 2001 | 12:00am
Dalawang miyembro ng isang carnapping syndicate na kinabibilangan ng isang pulis-Maynila ang naaresto ng mga elemento ng Quezon City police matapos maaktuhang sakay sa isang nakaw na sasakyan sa nabanggit na lungsod noong nakaraang Linggo.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina SPO1 Fernando Mamaril, 46, kasalukuyang nakatalaga sa WPD Station 11 at Ramil Florentino, 31, miyembro ng Bahala na Gang syndicate.
Ang pagkaaresto sa mga suspect ay bunsod na rin ng ibinigay na tip ng isang security guard na nagreport na ang una ay nagmamaneho ng isang Nissan Sentra na walang plaka sa may looban ng Vista Real Subdivision sa Barangay Batasan Hills sa nabanggit na lungsod.
Nang magsagawa ng responde ang mga awtoridad sa naturang subdivision, nagkaroon ng komosyon nang magtangka ang mga suspect na ilabas ang kanilang mga dalang armas.
Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang. 38 cal. rev., isang 9mm pistol, isang .45 pistol, isang pares ng plate number at ibat-ibang uri ng padlock. Nasamsam din sa mga ito ang isang Yamaha motorcycle na may plakang TK-9807 nang magsagawa ng operasyon sa bahay ni Florentino.
Patuloy na inaalam ng pulisya kung sino ang may-ari ng Nissan car at Yamaha motorcycle na nakuha sa mga suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended