^

Metro

2 bomba, mga bala nahukay

-
Dalawang bomba at iba’t ibang uri ng mga bala ang natagpuan ng pulisya sa isang hukay sa construction site sa Pasay City.

Ayon kay Chief Inspector Wency Biswilan, hepe ng SWAT Team, Pasay City Police, ganap na alas-11:00 kahapon ng umaga nahukay ng mga manggagawa ang dalawang vintage bomb at mga bala mula ng matataas na kalibre ng baril habang naghuhukay ang mga ito sa ginagawang bahay ni Amelia Juban, sa 125 Valhalla St., ng lungsod na ito.

Laking gulat nila na mga bomba at bala ang nakabaon sa bakanteng lote na kanilang hinuhukay at nakaramdam ang mga ito ng matinding takot.

Kaagad na ipinagbigay alam sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang mga nahukay na bomba at mga bala na naging dahilan upang rumesponde ang mga ito.

Nabatid na ang nasabing lugar ay posibleng ginawang taguan ng mga gerilya noong Ikalawang Digma-ang Pandaigdig. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AMELIA JUBAN

AYON

CHIEF INSPECTOR WENCY BISWILAN

DALAWANG

IKALAWANG DIGMA

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

VALHALLA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with