Ang dalawang Russian national ay nakilalang sina Veranika Sekizhynskaya,19, may hawak na passport no.BM0252258, Yuliya Tamashova, 25, may passport no.BM0457030 at Shu Ming Liao, 42, Chinese national na may passport no. MI6066264.
Ayon kay Rudy David, BI Intelligence Officer, ang tatlo ay dumating sa bansa sakay ng China Airlines flight CI-631 buhat sa Taipei, Taiwan bandang alas 12:30 ng hapon.
Sa pahayag ni Liao sa BI na isa siyang manager ng club at ang dalawang banyaga na kanyang kasama ay namamasukan sa kanya bilang mga cultural dancers at isang linggo lang itong mamamalagi sa bansa bilang mga turista.
Hindi naging kapanipaniwala sa mga awtoridad ang deklarasyon ng tatlo kayat agarang pinabalik ang mga ito sa kanilang pinanggalingan.
Sinabi pa ni David na maaaring recruiter si Liao ng mga Russians prostitutes at nagpunta sa bansa para ibenta ang mga alaga nito sa kapwa niya Intsik. (Ulat ni Butch Quejada)