^

Metro

Fixer ng ROTC arestado sa entrapment

-
Isang 23 anyos na lalaki ang inaresto ng pulisya matapos umanong kotongan nito ang tatlong estudyante para lang ma-exempted sa pagdalo ng mga ito sa Reserve Officer Training Course (ROTC) sa isang entrapment operation na isinagawa ng Pasig City police kamakalawa.

Ang suspek na naaresto ay nakilalang si Lauro Dulawan,walang trabaho at residente ng 34098 Bataan St.,Manila.

Habang ang mga biktima ay nakilalang sina Lemor Patulot,17; Joseph Magistrado, 17 at Rodiver Magana, 21 na pawang mga estudyante ng Rizal Technological University.

Sa reklamo ng mga biktima sila ay hinihingian umano ng suspek ng halagang P750.00 upang maging exempted sa pagdalo ng mga ito sa lingguhang training ng ROTC sa kanilang eskwelahan.

Ang suspek ay nagsisilbi umanong fixer ng mga estudyante ng nasabing eskwelahan kaya naman naisip ng mga biktima na magreklamo sa pulisya.

Napagkasunduan ng mga biktima at suspek na magbabayaran sa isang sangay ng Jollibee sa Rotonda, Bgy. Caniogan dakong alas 2:30 ng hapon. Nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nang nakuha na ng suspek ang pera ng mga estudyante na nagkakahalaga ng P1,260.00 cash ay dito na siya inaresto ng mga pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BATAAN ST.

JOSEPH MAGISTRADO

LAURO DULAWAN

LEMOR PATULOT

LORDETH BONILLA

PASIG CITY

RESERVE OFFICER TRAINING COURSE

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

RODIVER MAGANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with