Kay Edgar ang bangkay, giit ng kapatid
July 14, 2001 | 12:00am
Nagtungo kahapon ang isang grupo ng National Bureau of Investigation sa pangunguna ni Director Reynaldo Wycoco sa Bacolor, Pampanga kasama ang kapatid ng nawawalang si Edgar na humihiling sa mga awtoridad na hukayin ang exhume ng bangkay na natagpuan at suriin sa pamamagitan ng forensic test upang matiyak kung ang nasabing bangkay ay hindi ang nawawalang si Edgar.
Ayon kay Edcel Bentain, kapatid ng nawawalang si Edgar na malakas ang kanyang kutob na ito nga ang bangkay ng kanyang kapatid bagamat hindi niya tiyak ang kulay ng suot nitong pantalon dahil hindi siya kasama nang maganap ang pagdukot.
Ipinahayag pa ni Edcel na sakaling mahukay at matiyak na ang nahukay na bangkay ay sa kanyang kapatid ay magsasampa agad ito ng kaso laban sa mga opisyal ng PAOCTF na umanoy sinasabi ng umanoy dating civilian agent na si Angelo Mawanay alias Ador.
Una nang kinumpirma ng NBI na bangkay ng isang epileptic at hindi kay Edgar ang bangkay na natagpuan sa loob ng drum sa Lubao, Pampanga noong nakalipas na Martes.
Ang naturang bangkay ay nahukay ng mga tauhan ng Velasquez Funeral Homes na may layong 10 hanggang 15 kilometro mula sa Cabitakan, Bacolor na siyang itinuro ni Ador na pinaglibingan kay Bentain. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended