Pastor nangmolestiya ng dalagita
July 14, 2001 | 12:00am
Isang Baptist pastor ang nahaharap sa kasong acts of lasciviousness matapos molestiyahin nito ang isang dalagita na kanyang niyaya na mag-bible study sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Romeo Aquino, 41, may-asawa at residente ng Gen. Ricarte St., Bgy. South Cembo ng nasabing lungsod. Samantala ang nagsampa ng kaso ay ang biktima na itinago sa pangalang Ara ng nasabing barangay.
Sa pahayag ni Ara kay PO1 Rosario Cabasa ng Womens and Children Desk Section ng Makati PNP na ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng hapon nang magtungo sa kanyang bahay ang suspek at niyaya siyang mag-bible study.
Dahil sa tungkol sa Diyos naman ang kanilang pag-uusapan ay mabilis itong sumama sa suspek sa bahay nito.
Pagdating ni Ara sa loob ng bahay ng suspek ay nagtataka ito kung bakit nag-iisa lang siyang dumalo.
Inakala ng biktima na sa pagtayo ng suspek sa kanyang harapan ay para simulan ang sermon pero hindi ganoon ang nangyari sa halip siya ay niyakap at pinaghihipuan sa maseselang bahagi ng katawan.
Nagsisigaw ang biktima kaya sa takot ng suspek ay bumitaw ito sa pagyakap at mabilis na lumabas ng bahay.
Subalit sa pag-uwi ng biktima ay agad sinumbong sa kanyang mga magulang ang ginawa ng suspek dahilan para magsampa ng reklamo sa pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended