Bangkay sa drum sa Lubao, Pampanga hindi kay Bentain
July 12, 2001 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na bangkay ng isang epileptic at hindi sa nawawalang si Edgardo Bentain ang natagpuang bangkay sa loob ng drum sa Lubao, Pampanga, noong nakalipas na Martes.
Ito ay ayon kay NBI chief Reynaldo Wycoco, na nagsabing sa kabila nito ay nakahanda pa rin silang muling hukayin at isailalim sa masusing forensic test ang naturang bangkay na nakuha sa Lubao, Pampanga.
Sinabi ni Wycoco na kung hihilingin ng pamilya Bentain na i-exhume ang bangkay ng lalaki na sinasabing hawig ang sukat sa katawan ni Bentain ay handa silang hukayin muli ang bangkay.
Magugunitang ang naturang bangkay ay nahukay ng mga tauhan ng Velasquez Funeral Homes na tinatayang may 10 hanggang 15 kilometro ang layo mula sa Cabitakan, Bacolor na siyang itinuturo ni Angelo Manaway, alyas Ador na lugar na pinaglibingan kay Bentain. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended